DOJ, binigyang pugay ang mga empleyado ngayong Araw ng Kagitingan

Binigyang pugay ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lahat ng mga tauhan ng Department of Justice (DOJ) ngayong Araw ng Kagitingan.

Sa pahayag ni Remulla, itinururing niya na Modern Day Heroes ang bawat miyembro ng DOJ dahil sa sakripisyo nila sa kanilang trabaho.

Kinilala rin niya at binigyan ng pagpupugay ang mga bayaning beteranong Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay at nagsakripisyo para sa ikabubuti ng ating bansa noong panahon ng World War II.


Patuloy rin sana aniya ang bawat tauhan ng DOJ sa pagsusumikap sa kanilang tungkulin para sa serbisyo publiko kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Batid din ng kalihim ang mga nagawa ng bawat tauhan ng DOJ sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na anumang kapalit.

Facebook Comments