Chinese national, nangunguna pa rin sa mga turista na bumisita sa Boracay noong buwan ng Mayo

Kalibo, Philippines – Nangunguna pa rin ang mga Chinese national sa mga turista na bumisita sa isla ng Boracay sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Base sa data nga Malay Tourism Office (MTOUR, umabot sa 23, 912 ang bilang ng mga Chinese national na sinundan naman ito ng mga Koreans na may 23, 645.

Kasama rin sa top 10 tourist arrival ang mga bansang Taiwan, Malaysia, USA, United Kingdom, Australia, Singapore, Japan ag Saudi Arabia.


Inaasahan naman ng Mtour Malay na kahit unti-unti nang nararamdaman ang habagat ay dadagsa pa rin ang mga turista na bibisita.

Samantala, nagpaalala naman ang PCG-Boracay sa publiko na mag-ingat at huwag pumunta sa malalim na bahagi ng dagat kung malakas ang alon para maiwasan ang disgrasya.

* DZXL558, **Dante Torcuator*

Facebook Comments