Meralco Bolts, nai-pwersa ang do-or-die game kontra TNT Katropa sa quarterfinals ng PBA Commissioners Cup

PBA – Naipwersa ng Meralco bolts ang do-or-die game three matapos talunin ang TNT katropa sa overtime game sa score na 103-100 sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa bolts si Baser Amer na may 32-points habang mayroong 15-points at 10-rebounds naman si Cliff Hodge.

Sa naging interview kay Amer, pinilit nilang manalo upang magkaroon pa rin sila ng tsansa na makapasok sa semifinals at kanilang paghahandaan ang susunod na laban dahil tiyak daw na babawi ang TNT.


Sa Biyernes naman mapapanood ang game-3 kung saan ang mananalo ay makakaharap nila ang number one seed na Barangay Ginebra.
DZXL558

Facebook Comments