Chinese National, Timbog sa Panggagahasa ng Dalaga

16

Cauayan City, Isabela- Nasampahan na ng kasong Rape ang isang Chinese National matapos ireklamo ng 19-anyos na dalaga sa Sitio Polloc, Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay kinilalang si Shi zi Li, 35-anyos, may-asawa, isang negosyante.


Sa ulat ng PRO2, napag-alaman mula sa biktimang itinago sa pangalang ‘Jelay’, empleyado ito ng mismong asawa ng suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, ika-17 ng Mayo ng taong kasalukuyan bago maganap ang panggagahasa ay tinawagan umano ng suspek ang biktima at nagkasundong magkita sa isang fast-food chain.

Bago ito, sumakay ang biktima sa sasakyan ng suspek at ilang sandali pa ay tila may ipinaamoy ang lalaki sa biktima na dahilan ng kanyang pagkahilo.

Agad na dinala ng suspek sa isang drive-inn hotel ang biktima at nagawa pang magpahilot pero dahil sa takot ay sumunod na lamang ang biktima sa kagustuhan ng suspek hanggang sa magawa na ang pangmomolestiya.



Nagbanta rin ang suspek sa biktima na huwag magsumbong sa kabila ng nangyari at inabutan rin ito ng P1,500 na tinanggihan ng suspek na kalauna’y tinanggap na rin ang pera matapos itong ipilit ng suspek sa kanya.


Nahaharap ang Chinese National sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Facebook Comments