Namatay sa COVID-19 sa Isabela, Umabot sa Halos 700

14

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 673 ang bilang ng namatay na tinamaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office mula sa Regional Epidemiology Surveilance Unit (RESU) ngayong araw, nakapagtala ang probinsya ng apat (4) na panibagong COVID-19 related death na nagdadala sa kabuuang bilang ng nasawi sa 673.


Mayroon namang 107 na naitalang bagong kaso ng nasabing sakit ang probinsya kaya’t sumirit nanaman sa 1,419 ang bilang ng aktibong kaso.

Sa kasalukuyan, nasa 22,272 ang total cumulative cases ng Isabela na kung saan ang 20,180 rito ay gumaling.

Samantala, nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may aktibong kaso na 216 habang pumapangalawa naman ang bayan ng Tumauini na may 124 na hindi gumagaling sa covid.

Facebook Comments