Chinese nationals na hinarang kahapon sa NAIA, pababalikin ngayong hapon sa China

Dakong ala-1:30 ngayong hapon pababalikin sa China ang 146 na Chinese nationals na hinarang kahapon ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil pa rin sa banta ng Novel Coronavirus (nCoV).

Kasunod na rin ito ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na expanded travel ban sa mga foreign nationals na galing Hong Kong, Macau at China.

Ayon kay Bureau of Immigration Port Operations Chief Grifton Medina, sa ngayon ay nananatili sa exclusion room ang mga Chinese na hinarang kagabi.


Una nang nakabalik ng China kaninang umaga ang 33 sa 300 Chinese nationals na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa mga nasa isolation room o exclusion room, wala pa raw sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng 2019 nCoV.

Facebook Comments