Magsasaka na Wanted sa Kasong Bigong Pagpatay, Arestado!

37

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa municipal level matapos mahuli ganap na alas 9:00 kaninang umaga sa Brgy. Holy Friday, Mallig, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Jessie Lacambra, 46 anyos, may-asawa, magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Lacambra ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder o bigong pagpatay.

Pansamantalang makakalaya si Lacambra kung makakapagpiyansa ng halagang Php200,000.00.

Facebook Comments