Chinese nat’l, huli dahil sa pagiging illegal recruiter

Arestado ang isang lalaking Chinese national at kasama nitong babaeng Pinoy dahil sa umano’y ilegal na pag-alok ng trabaho sa China.

Inaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek na sina Jackson Ong at June Rose Taguba.

Ayon kay NBI – NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division Chief Atty. Joel Tovera, nangangako ang dalawa sa mga aplikante ng trabahong tutor, domestic helper o factory worker sa China na may sahod na P40,000 kada buwan.


Pero hindi naman aniya accredited ang dalawa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sabi pa ni Tovera, tatlong taon nang nag-o-operate sina Ong at May mga napalipad nang Pilipino pa-China.

Inaalam na ng NBI kung may iba pang kasabwat ang mga suspek na nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment at human trafficking.

Facebook Comments