Pakistani, timbog sa pagnanakaw ng sasakyan sa Makati

Makati City – Kalaboso ang isang Pakistani na nagbenta ng van na kaniyang tinangay sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Raj Dadlani na tumangay sa isang delivery van sa Sampaloc Street, Barangay San Antonio noong gabi ng Enero 8.

Ayon kay Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, naibenta ni Dadlani ang van sa Batangas sa halagang P180,000 gamit ang mga pekeng dokumento.


Matapos bayaran ang sasakyan nagduda aniya ang pinagbentahan ni Dadlani.

Nang i-search daw nito ang pangalang ginamit ng suspek ay nakilala ng pinagbentahan ang tunay na may-ari ng sasakyan.

Nabatid na dati nang nakulong si Dadlani nang dalawang buwan dahil sa kasong theft.

Naibalik naman ang sasakyan sa may-ari pero hindi na ang pera sa pinagbentahan nito.

Kinasuhan ng carnapping, estafa, at falsification of public documents ang suspek.

Facebook Comments