Chinese nat’l, huli matapos manghipo

81

Pasay City – Sa kulungan ang bagsak ng 19-anyos na Chinese matapos hipuan ang grupo ng babae sa isang theme park sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Zhang Yang isang empleyado ng online casino sa bansa.

Ayon sa magulang ng isa sa biktima na si alyas Lyza, masama ang kanilang loob at nainsulto dahil na namolestya umano ang kanyang anak ng isang dayuhan sa sariling bansa.

Kwento ng isa sa mga biktima, 8 silang pumasok sa horror house sa isang theme park sa Pasay.

Kasunod nito isang Chinese ang lumapit na hindi nila kakilala at pinaghahawakan ang maseselang bahagi ng katawan ng 3 babae sa kanilang grupo.

Bagaman at takot agad silang nagsumbong sa guwardya.

Nahabol naman ang suspek at dinala sa pulisya.

Gusto makipag-ayos ng Chinese national sa pamamagitan ng pera pero nanindigan ang mga biktima na ituloy ang reklamo.

Kasong act of lasciviousness naman ang isasampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments