3, timbog sa buy-bust operation sa Bacolod

37

Bacolod City – Arestado ang tatlong katao sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Banago, Bacolod City.

Ayon sa Bacolod City Drug Enforcement Unit, target ng operasyon ang tulak na si alyas “Nonoy.”


Nasamsam sa mga suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P130,000.

Todo tanggi naman ang mga kasamahan ni “Nonoy” na nagtutulak sila ng ilegal na droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers