Manila, Philippines – Matapos ang sunod-sunod na pulong sa naganap na 31st ASEAN summit mula noong Lunes hanggang kahapon ay magiging abala parin si Pangulong Duterte ngayong araw dahil sa isang aktibidad sa Malacañang.
Mamaya kasi ay magkakaroon ng expanded bilateral meeting bilang bahagi ng official visit nito sa bansa.
Inaasahang malalagdaan ang ilang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at China sa kanilang paghaharap mamaya dito sa Malacañang.
Maglalabas din naman ng joint Press Statement ang dalawa matapos ang kanilang expanded bilateral meeting at pagkatapos nito ay magkakaroon ng Ceremonial Launching ng isang bridge project at isang drug rehabilitation center na gagawin din dito sa Malacañang.
Mamayang gabi din ay hahandugan ni Pangulong Duterte ng state banquet si Premier Li at ang kanyang delegasyon dito sa Malacañang.
Chinese Premier Li Keqiang, bibisita sa Malacañang bilang bahagi ng kanyang official visit
Facebook Comments