Chinese president, nakiramay sa mga nabiktima ng pagsabog sa Jolo, Sulu

Nagpaabot ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas sa nangyaring pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na ikinamtay ng mahigit 20 tao at ikinasugat ng maraming iba pa noong nakaraang araw ng Linggo.

Sa sulat ni President Xi kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi nito na nagulat siya sa nangyaring pagsabog at sa ngalan ng Chinese Government ay nakikiramay siya sa mga nabiktima ng pagsabog.

Kinokondena din ni President Xi ang nangyaring terroristic attack sa mga sibilyan at tiniyak na handang tumulong ang China sa international community kabilang na sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa buong rehiyon.


Matatandaan na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na handang tumanggap ang Pamahalaan ng anumang tulong mula sa ibang bansa ito man ay sa porma ng intelligence information at military capability.

Facebook Comments