Show cause order ng Kamara kay Sec. Diokno, hindi nito natatanggap

Manila, Philippines – Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na sasagot siya sa inilabas na show cause order ng Kamara kaugnay sa kanyang hindi pagdalo sa mga budget hearing kaugnay sa 2019 national budget.

Sa briefing ni Diokno kanina ay sinabi nito na hindi pa nila natatanggap ang inilabas na show cause order ng Kamara pero agad naman aniya siyang tutugon dito sa oras na matanggap na niya ang kautusan.

Hindi din naman nilinaw ni Diokno kung dadalo siya sa mga susunod pang pagdinig ng Kamara kaugnay sa national budget.


Matatandaan na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na hahayaan na nilang si Diokno ang magpaliwanag sa kanyang kinakaharap na issue at hindi na ito panghihimasukan ng Malacañang.

Facebook Comments