Chinese President Xi Jinping, nagbabala na makikipag-giyera sa Pilipinas kapag iginiit ang ruling ng un arbitral court sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Nagbabala si Chinese President Xi Jinping kung ipipilit ng Pilipinas ang ruling ng arbitral court sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa isang convention sa Davao City – sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inihayag ni President Xi na kahit kaibigan ng China ang Pilipinas ay mapipilitan silang makipag-giyera sa atin.

Pero ayon sa Pangulo – binigyan diin nya sa Chinese President na may karapatan tayo sa pinag-aagawang teritoryo.


Sa katunayan aniya sinabi kay President Xi ang balak ng Pilipinas na magsagawa ng oil drilling sa nasabing karagatan.

At kung magkagiyera man – sinabi ni Pangulong Duterte na lalapit tayo sa Amerika.

Samantala sa joint statement ng pagsisimula ng bilateral consultative mechanism ng China at Pilipinas – sinabing deretsahan at maayos na nakapagpalitan ng opinyon ang dalawang panig hinggil sa isyu ng WPS.

Napagkasunduan din ang pagpapatuloy ng mga pag-uusap sa confidence building at pagpigil sa mga aktibidad sa WPS na posibleng magpalala ng tensyon.

Nagkaroon din ng diskusyon sa mga susunod na hakbang kaugnay sa maritime cooperation at posibleng pagbuo ng technical working group.
DZXL558

Facebook Comments