Ipatutupad na random drug testing sa mga paaralan, ipapaalam ng Department of Education sa mga magulang

61

Manila, Philippines – Siniguro ng Department of Education na ipapaalam nila sa mga magulang ang ipatutupad na random drug testing sa mga paaralan.

Tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones, walang dapat ipag-alala ang magulang lalo na kung alam ng mga ito na hindi naman gumagamit ng iligal na droga ang kanilang mga anak.

Ayon kay Briones, gagawing pribado ang pagsalang sa drug test ng mga estudyante at hindi rin isasapubliko ang pangalan ng mga ito.

Dagdag pa nito, hindi lamang mga estudyante mula sa elementarya at high school ang isasalang sa random drug test kundi maging ang mga guro at DepEd personnel.

Facebook Comments