Chinese student na nagsaboy ng taho sa pulis, nakakulong na sa BI detention facility

Manila, Philippines – Nakapiit na ngayon sa detention facility ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa, Taguig ang Chinese fashion student na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT 3 boni sa Mandaluyong.

Kinumpirma ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval matapos na ideklarang undesirable alien si Zhang Jiale.

Posible ring maharap sa deportation case at ma-blacklist si Zhang kapag naibaba na ng Immigration Bureau ang resolusyon sa kaso nito.


Nilinaw naman ni Sandoval na sakali mang makitaan ng sapat na batayan para ipa-deport si Zhang, kailangan muna nyang harapin ang kasong kriminal na isinampa laban kanya sa Mandaluyong.

Facebook Comments