Kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nagpasabi sa mga awtoridad ang Chinese Survey Ship na pumasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, nagpaalam ang barkong “Zhangjian” sa local authorities na dadaan at titigil pansamantala sa benham rise dahil sa masamang panahon.
Ang Philippine Navy ang inatasang magsagawa ng standard operating procedures sa proseso sa kung paano sisitahin kokomprontahin o sasalubungin ang mga foreign warship.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kailangang magpaalam ang mga dayuhang barkong papasok sa territorial waters ng isang bansa.
Sa magiging pulong ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa China ay inaasahang tatalakayin ng pangulo ang International Arbitral Ruling at iba pang isyu kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.