Pamilya ni dating Mayor Antonio Sanchez, umapela kay Pangulong Duterte na huwag harangin ang kanyang nakatakdang pagpapalaya

Nanawagan ang pamilya ni murder-rape convict na si dating calauan mayor antonio sanchez kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag harangin ang posibleng paglaya sa kanilang padre-de-pamilya.

Ayon sa asawa ng dating Alkalde na si Elvie, umapela sila sa pangulo na tulungan silang mahanap ang buong katotohanan sa kaso.

Iginiit ni ginang Elvie na walang kasalanan ang kanyang asawa.


Huwag rin sanang agad husgahan ang paglaya ng kanyang asawa at tumulong sana na mapanagot ang totoong may sala.

Nakikiramay din sila sa mga pamilya ng pinatay na U.P. Los Baños Students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Pero sana raw ay buksan nila ang kanilang isipan para makuha ang hustisya.

Una nang sinabi ng Malacañan na tutol si Pangulong Duterte sa pagpapalaya kay Sanchez at iginiit na ng DOJ na hindi kwalipikado sa batas na nagbibigay ng Good Conduct Time Allowance ang dating alkalde.

Lumabag din si Sanchez sa mga panuntunan ng bilibid matapos madiskubre dati ang maranya niyang kubol at pagkakasabat ng ilegal na droga sa loob ng kanyang selda.

Facebook Comments