Chinese syndicates sa POGO industry, pinatutugis ng isang senador

Pinapatugis ni Senador Win Gatchalian sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mga Chinese syndicates sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO industry sa bansa.

Nababahala si Gatchalian sa mga ilegal na aktibidad tulad ng kidnapping, protitusyon at human trafficking na kagagawan umano mga sindikatong konektado o nagtatrabaho sa pogo.

Iminungkahi pa ni Gatchalian ang pagtatatag ng isang Inter-Agency Task Force (IATF) na bubuuin ng PNP, NBI at BI, kasama ang National Prosecution Service (NPS) para sa mas mabilis na pagimbestiga, pagtugis at prosekusyon ng kaso ng mga syndikatong ito.


Kinalampag din ni Gatchalian ang BI na magkaroon ng close coordination sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at PNP Maritime Group para sa mahigit na pagbabatay at border security upang pigilan ang pagpasok ng mga illegal foreign traffickers sa bansa.

Facebook Comments