Chinese vaccine, inaasahang darating sa bansa sa nakatakda nitong schedule

Tiniyak ng top diplomat ng Pilipinas na ang mga bakunang inilaan ng China para sa bansa ay darating sa nakatakda nitong schedule.

Kabilang na rito ang donasyong 600,000 doses ng Chinese pharmaceutical Sinovac.

Ayon kay Philippine Ambassador Chito Sta. Romana, ang delivery schedule ng mga bakuna ay tinakalay sa pamamagitan ng diplomatic channels, partikular sa pagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Chinese manufacturer.


Aniya, inaasahang darating ang mga bakuna bago matapos ang buwan.

Aminado si Sta. Romana na sa gitna ng pagpapaigting ng vaccine production, magiging hamon sa China na abutin ang demand lalo na at kailangan nilang suplayan ang mga developing at third world countries.

Pagtitiyak naman ni Sta. Romana na nasa prayoridad ng China ang Pilipinas sa vaccine supply.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na nasa 600,000 doses ang ipinangako ni Chinese Foreign Minister and State Counselor Wang Yi ang ipapadala sa Pilipinas.

Bukod dito, nag-order din ang Pilipinas ng 25 million doses ng Chinese vaccines na utay-utay na ipapadala sa bansa ngayong taon.

Facebook Comments