CHO DAGUPAN NAGSAGAWA NG ANTI-DENGUE MISTING OPERATION SA ILANG PAARALAN NG LUNGSOD

Nagsagawa ng misting operation ang grupo mula sa CHO partikular sa Carael Elementary School na mayroong dalawampu’t-apat na silid-aralan at Carael Integrated School na mayroon namang dalawampu’t -anim na classroom.
Pinangunahan ng City Health Office ang isinagawang Anti-Dengue Misting Operation sa mga paaralan sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay bahagi parin ng hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang maihanda ang mga paaralan sa lungsod isang linggo bago ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Unang inihayag ni City Health Officer Dr. Ophelia Rivera, na mababa ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod bagamat patuloy ang ginagawang monitoring lalo na sa mga barangay na nakapagtala ng kaso ng sakit.
Samantala, layunin ng hakbang na mapigilang makapagtala ng kaso ng Dengue at maprotektahan ang kaligtasan ng mga batang magbabalik-eskwela. | ifmnews
Facebook Comments