Inihayag ng City Health Office ng Dagupan na pabor ito sakaling maipatupad na ang polisiyang boluntaryong pagsusuot ng facemask sa katapusan ng taon.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Dr. Julita De Venecia, Medical Officer IV, Officer-in-Charge ng CHO, sinabi nitong sa tagal na rin ng panahon na nakasuot ang bansa ng face mask ay kailangan na rin umano na matapos ito.
Kanyang binigyang diin na basta’t hindi na gaanong kataas ang kaso sa lungsod dahil para tuluyang maisakatuparan at masunod ang rekomendasyon ng National Inter-agency Task Force.
Matatandaan na inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. verbally ang suhestiyong ito ngunit wala pang inilalabas na executive order.
Sa katapusan ng taon ang napipintong pilot implementation nito.
Payo ni De Venecia sa mga residenteng hindi pa nakakapagpabakuna at hindi pa natuturukan ng booster shots ay kailangang na nila itong gawin para matulungan ang gobyerno at makatulong sa komunidad kung saan patuloy naman ang pagbabakuna sa mga itinalagang vaccination sites sa lungsod.
Samantala, base sa pinakahuling monitoring ng CHO, nakapagtala na ng 4, 728 na kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon pa ring siyam (9) na kaso ng aktibong kaso, 4, 600 na ang recovered at 119 ang naitalang namatay sa sakit. | ifmnews
Facebook Comments