Julia Barretto, inamin na hindi siya sensitive kina Joshua Garcia at Bella Racelis

105

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na hindi siya sensitive hinggil sa kumakalat na chismis na may namamagitan sa kaniyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia at Youtube vlogger na si Bella Racelis.

Say ni Julia, matagal na tapos ang relasyon nila ni Joshua, kaya naman dapat “i-let-go” na ito na may pasasalamat at maayos.

Kinumpirma pa ni Julia na nananatiling magkaibigan sila ni Joshua.


Iginiit pa ng aktres na kailanman ay hindi siya naging bitter at masaya sila parehas ni Joshua kung ano nangyayari sa buhay nila lalo na sa lovelife.

Dagdag pa ni Julia, approved sa kaniya si Bella para kay Joshua.

Matatandaang, nagtrending sa social media ang dalawa matapos i-story ni Joshua si Bella sa kaniyang IG account.



Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kina Joshua at Bella hinggil sa tunay nilang score.

Facebook Comments