Cauayan City – Libreng Psychiatric Consultation ang ihahatid ng City Health Office of Santiago sa January 30, 2025 na gaganapin opisina ng CHO.
Kabilang sa consultation ang pagbibigay ng assessment, diagnosis, treatment at counseling para sa mental and behavioral disorders.
Para sa mga nais magpakonsulta, kinakailangang kumuha muna ng referral slip mula sa inyong Barangay Health Center bago magtungo sa City Health Office.
Ang konsultasyon ay gagawin sa ilalim ng “first come, first served” na sistema kaya naman hinihikayat ang lahat ng kwalipikadong residente na samantalahin ang serbisyong ito para sa kanilang mental health care.
Facebook Comments