Chooks to Go Pilipinas, talo kontra China sa FIBA Asia Championship quarterfinals

Sports – Nabigo ang Chooks-to-Go Pilipinas na ilampaso ang China sa pagtutuos nila sa quarterfinals ng 2017 FIBA Asia Champions Cup sa iskor na 86-70.

Naging susi naman sa panalo nito sina Darius Adams na nakapagtala ng 23 points at Xi Re Li Jiang Mugadaer na mayroong 20 points.

Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes – kahit talo sila ay pinagmamalaki pa rin niya ang mga manlalaro at hanggang doon na lamang ang kanilang nakaya.


Pinangunahan ni Kiefer Ravena at Isaiah Austin ang pambansang koponan na may tig-16 na puntos.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Shabab Al-Ahli Dubai ng UAE sa Biyernes para makuha ang ikalimang puwesto sa continental club championship.

Facebook Comments