Kunsiderado ng solve ang isang chop-chop murder case na naganap sa Pasacao, CamSur may 6 na buwan na ang nakalipas. Ito ay makaraang maaresto ang mga suspek sa naturang krimen.
Kinilala ang biktima na si Sosimo Arciaga, hinihinalang isang dayo lamang sa lugar at di-umano’y mula sa Kamindanaoan.
Nakuha ang bangkay ng biktima na ipinasok sa sako at itinapon sa ilog na tinangay ng alon patungo sa ilog ng Libmanan, katabing bayan lamang ng Pasacao.
Bandang alas 12:45 ng tanghali noong Sabado, January 25, 2020 ay naaresto sina Crispin Bon y Calinog, edad 25 at Bernardo Palino y Esmer, edad 54 kapwa pamilyado at residente ng Barangay Itulan bayan ng Pasacao sa Camarines Sur.
Halos dalawang oras ang makalipas, naaresto rin ng kapulisan ang pangatlong suspek na kinukunsiderang accessory na kinilalang si Sandy Boy Gomez y Gandol, edad 26 ng kapareho ding lugar.
Exclusive na na-interview ni DWNX Reporter RadyoMaN Manny Basa si Crispin Bon at kusa nitong inamin ang nasabing krimen. Magkasama umano sila ng biktima ng mga panahong iyon at marami umano itong sinasabing hindi kaaya-aya sa pandinig ng suspek. Napuno umano siya kung kaya’t nagawa niyang pagtatagain ang biktima na nagresulta pa sa paghiwa-hiwalay ng mga bahagi ng katawan nito.
No Bail ang kaso ni Crispin Bon samantalang may recommended bail naman sa mga kasabwat nitong sina Bernardo at Sandy Boy na nagkakahalaga ng 120,000 pesos bawat isa.
Makikita sa larawan ang sakong pinaglagyan ng hiwa-hiwalay na mga bahagi ng katawan ng biktima. May iba pang mga kuhang larawan ang pulisya kung saan nasa advance state of decomposition na ang pira-pirasong katawan ng biktima at hindi na isinama ng manunulat sa lathaling ito.
-as reported with exclusive interview by RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN