Manila, Philippines – Tiwala si Human Rights Commissioner Leah Armamento na sa tulong Senado, maaaprubahan ang panukalang P650 milyong budget ng ahensiya.
Pero sakaling P1,000 lang talaga ang ibigay na pondo sa ahensiya, giit ni Armamento na mawawalan na sila ng pangtustos para sa Witness Protection Program nito.
Nabatid na mahigit 10 testigo ang nasa pangangalaga ng CHR na karamiha’y may banta sa buhay dahil sa giyera kontra droga.
Aniya, mahihirapan ang CHR na magsagawa ng mga imbestigasyon dahil maski pang gasoline ay mawawalan sila.
Dagdag pa ni Armamento, apektado rin ang P10, 000 ayuda ng ahensiya sa bawat batang biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Facebook Comments