Sunday, April 12, 2026

CHR, binabantayan ang karapatan ng bawat Pilipino sa gitna ng epekto sa kabuhayan ng krisis sa langis

Sa gitna ng kagutuman at krisis, nais matiyak ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi nakokompromiso ang karapatan ng maralitang Pilipino.

Ayon kay CHR Commissioner Beda Epres, ang malakihang taas presyo ng langis ay hindi lamang usaping pang- ekonomiya kundi usaping karapatang pantao.

Dahil dito, mahigpit na tinututukan ng CHR ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina na may direktang epekto sa kabuhayan at karapatan ng mga Pilipino.

Napipilitan umano ang ilang pamilya na mamili sa pagitan ng paghahanap ng pangangailangan sa medisina o bigyan prayoridad ang pangangailangang makaraos sa araw-araw.

Giit ng CHR, mahalaga ang anumang tugon ng pamahalaan sa krisis ay nakasentro sa pagprotekta sa dignidad ng tao.

Facebook Comments