Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang labis na puwersang ginamit ng limang miyembro ng Parañaque Task Force sa paghuli sa isang vendor.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ito ay labis na nagpababa sa dignidad at karapatang pantao ng vendor na si Warren Villanueva.
Ani De Guia, ang inasal ng limang miyembro ng Task Force ay hindi kailangan at walang basehan.
Ito aniya ay pagmamalupit na nag-iiwan ng pangmatagalang pinsalang silohikal.
Ikinagalak naman ng CHR ang pag-aksyon ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Una nang sinuspinde ang mga miyembro ng Task Force at mahaharap pa sa kasong administratibo.
Naibalik na rin ang kariton ng vendor na gamit nito sa pangkabuhayan.
Iginiit din ni De Guia na mabigyan ng psychological intervention si Villanueva.