Pagbababa sa minimum height requirement ng mga nais maging PNP, BFP, BJMP at BuCor personnel, pasado na sa ikalawang pagbasa

97
Photo Courtesy: www.prcboard.com

Lusot na rin sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagbababa sa minimum height requirement ng mga aplikante o nais maging myembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa viva voce voting ay nakapasa ang House Bill 8261 o ‘PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act’ na layong amyendahan ang RA 6975, RA 9263 at ang RA 10575.


Sa mga nais maging PNP, BFP, BJMP at BuCor personnel, itatakda na sa 1.57 meters ang minimum height requirement sa mga lalaki mula sa kasalukuyang 1.62 meters habang 1.52 meters naman sa mga babaeng aplikante mula sa kasalukuyang height requirement na 1.57 meters.

Mababatid na sa mga naunang pagdinig ay nakikita ang limit sa minimum height requirement na isang discriminatory act, unlawful at hindi rin sukatan ang taas at laki para mapatunayang karapat-dapat ang isang tao sa propesyon.

Matatandaang ilang bansa na rin tulad ng United States, Great Britain, Australia at New Zealand ang ibinasura na ang height standards at pinalitan ito ng ibang indicators tulad ng body mass index at physical aptitude test na mas mainam na sukatan kung karapat-dapat ba ang isang aplikante.

Facebook Comments