CHR, hinamon ang gobyerno na makipagtulungan sa International Criminal Court sa pagsisiyasat sa mga kaso ng Pilipinas

Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang administrasyong Duterte na makilahok sa proseso ng International Criminal Court (ICC).

Kasunod naman ito ng desisyon ng ICC na isulong ang preliminary investigation sa mga kaso ng Pilipinas.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, kailangang ipakita ng gobyerno ang kooperasyon at pagiging transparent sa umano’y pagpapanagot sa mga paglabag sa karapatang pantao at sa paglalatag ng mekanismo upang mapanagot ang mga nasa likod ng patayan sa war on drugs ng pamahalaan.


Nasa tamang direksyon din umano ang pagpayag ng Philippine National Police (PNP) na buksan ang mga kaso ng mga nangyaring pagpatay sa war on drugs.

Facebook Comments