CHR, hinimok ang gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng U.N.

Nanawagan ang Commission on Human Rigts (CHR) sa Administrasyong Duterte na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng United Nation Human Rights Council (UNHRC) kaugnay ng mga patayan sa gitna ng war on drugs.

Ayon kay CHR Spokeaperaon Atty. Jacqueline De Guia, makatutulong ang imbestigasyon para maging maayos ang pangangalaga sa karapatang pantao sa bansa.

Bilang miyembro ng UNHRC dapat itong tanggapin ng pangulo para magkaroon ng patas na imbestigasyon at marining din ang panig ang pamahalaan ukol dito.


Magandang pagkakataon din aniya ito para maipakita ng gobyerno na mayroon silang ginagawang hakbang para matulungan ang mga biktima ng Human Rights Violation.

Matatandaang pinaburan ng UNHRC ang hirit na imbestigasyon ng Iceland sa umano’y Extra Judicial Killings sa Pilipinas.

Facebook Comments