CHR, hinimok ang mga LGU na magpatupad ng mga panukala laban sa diskriminasyong ng LGBTQIA+ community

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang kani-kanilang mga ordinansa hinggil sa LGBTQIA+ equality at anti-discrimination.

Sa pagtatapos ng Pride month, pinuri ng CHR ang mga pagsisikap ng mga LGU upang suportahan ang naturang komunidad.

Kinilala nito ang LGU ng Carigara, Leyte, at Roxas City sa pagpasa local ordinances na kumokondena sa diskriminasyon laban sa LGBTQIA+ at pagsusulong ng pantay na karapatan nito.


Bukod dito ay pinuri rin ng komisyon ang pagsisikap ng Maynila, Bataan Province, Albay, Malolos City, at Pasig City, na nagpasa ng sariling bersyon ng anti-discrimination ordinances sa kasagsagan ng pandemya.

Kaugnay nito, umaaasa ang CHR na dadami ang suporta para sa LGBTQIA+ community upang maisabatas na ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Facebook Comments