CHR, humirit ng dagdag na pondo sa 2023

Sa budget briefing sa Kamara ay umapela ang Commission on Human Rights o CHR na madagdagan ang kanilang pondo para sa susunod na taon.

Ito ay dahil mahigit 846.3 million pesos lamang ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa CHR na mas mababa ng mahigit 118 million pesos kumpara sa mahigt 964.7 million pesos na budget nito ngayong taon.

Mahigit 1.6 billion pesos ang hiniling na 2023 budget ng CHR pero hindi napagbigyan.


Nangangamba si CHR Executive Director Jacqueline de Guia na malaking hamon ang budget cut sa pangunahing tungkulin ng komisyon na protektahan ang vulnerable sector laban sa pang-aabuso.

Umaasa si De Guia na ikukunsidera ng kongreso na dagdagan ang budget allocation sa CHR bilang pagsuporta ng pamahalaan sa independent national human rights institution.

Facebook Comments