Achievements ng NTF-ELCAC, ibinida ng DND sa budget hearing ng Kamara

92

Sa budget briefing ng Kamara ay binigyang diin ng Department of National Defense (DND) na game changer ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Sinabi ito ni Defense Senior Usec. Jose Faustino Jr., sa pagdepensa sa kanilang budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng ₱310.8 billion.

Pagmamalaki ni Faustino, mula ng ilunsad ang programa noong 2019 ay nagkaroon ng malaking pagbaba sa banta ng communist-terrorist group at sa loob lamang ng tatlong taon, ay umabot na 60 sa guerilla fronts ang kanilang nabuwag.


Facebook Comments