Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang hindi magandang trato at arbitrary detention sa ilang residente sa Brgy. Commonwealth, Quezon City dahil sa ibat ibang paglabag sa mga ordinansa.
Ayon kay Atty Jacqueline Ann de Guia, spokesperson ng CHR nagpadala na ng quick response team ang CHR-NCR nasabing barangay hall upang imbestigahan ang mga posibleng pananagutan ng mga opisyal at tauhan nito ng barangay .
Naniniwala si De Guia na bagamat bawat paglabag ay dapat may karampatang kaparusanahan, pero hindi ito dapat lalabis sa kung anuman ang itinatakda sa batas.
Aniya, mayroong sinusunod na proseso sa pagsasampa ng kaso at pagkulong.
Ginagarantiya rin aniya ng Konstitusyon na ang bawat tao ay kikilalanin na inosente sa harap ng anumang alegasyon hangga’t mapatunayan ang kanilang pagkakasala.