Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pagpapahubad sa mga dalaw ng mga persons deprived of liberty sa National Bilibid Prison (NBP).
Naalarma ang CHR sa umiiral na strip search procedure.
Nagpaalala ang komisyon na ang mga inspeksyon sa mga jail facilities ay dapat isagawa nang may lubos na pagsasaalang-alang sa dignidad, pagkapribado, at mga karapatan ng mga indibidwal na kasangkot.
Ayon pa sa CHR, bagamat kinikilala nito ang kahalagahan ng pinakamataas na inspeksyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga jail facilities, mahalaga na ang mga hakbang na ito ay hindi maglalagay sa alanganin sa mga pangunahing karapatang pantao ng mga bumibisita.
Noong 2023, naglabas ang CHR ng katulad na pahayag hinggil sa mga diumano’y strip searches ng mga bisita ng PDL sa Metro Manila District Jail Annex 4, na nagsasabing ang search guidelines ng Bureau of Jail Management and Penology ay hindi dapat ipatupad nang basta-basta at di dapat nakatuon sa mga ng mga bilanggong pulitikal.