CHR, iimbestigahan na rin ang pagkamatay ng Adamson student sa hazing

Nagsasagawa na ng moto propio investigation o sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkamatay ng 24-anyos na Adamson University college student na si John Matthew Salilig matapos sumailalim sa hazing sa Imus, Cavite.

Ayon sa CHR, patuloy na kinokondena ng ahensiya ang lahat ng uri ng pananakit kay Salilig sa pisikal na aspeto man at psychological.

Binigyang diin ng CHR na ang hazing na isang ritualistic act of humiliation at degradation ay lumalabag sa mga panuntunan ng karapatan ng bawat mamamayan.


Kaugnay nito, nanawagan ang CHR sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Higher Education (CHED) at iba pang tanggapan ng pamahalaan na umaksyon sa kaso ni Salilig.

Nanawagan din ang CHR sa pamahalaan na palakasin pa ang implementasyon ng Republic Act No. 11053 O Anti-Hazing Act of 2018.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang CHR sa pamilya ni Salilig at nanawagan ng hustisya para sa paspatay sa mag-aaral.

Facebook Comments