CHR, ikinalugod ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng panuntunan kaugnay sa Anti-Terrorism Act

Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang positibong ginawa ng Korte Suprema upang magkaroon ng karagdagang paglilinaw sa batas na Anti-Terrorism Act na ipinatutupad sa bansa.

Kabilang sa mga binigyang linaw ng SC ay mga kalabuan o vagueness ng mga probisyon patungkol sa mga detensyon, surveillance orders, designation at proscription ng mga babansagang terorista.

Ayon sa CHR, patuloy nilang babantayan ang implementasyon ng batas upang masiguro na nagagamit ito sa tama at nararapat na proseso para sa karapatang pantao.


Umaasa ang CHR na magagawa ng Korte Suprema ang kanilang tungkulin sa bayan tungo sa pag-unlad at pagtiyak sa karapatan ng mga Pilipino.

Naniniwala ang komisyon na mapoprotektahan at maibibigay ang pangangailangan ng mga Pilipino sa ilalim ng batas na nakapaloob sa Constitutional Rights.

Binigyang-diin nito na ang panuntunan na inilabas ng kataas taasang hukuman ang tutugon sa problemang karapatang pantao, seguridad ng bawat isa, malabanan ang terorismo, makataong lipunan at magsisiguro sa mapayapang kapaligiran at progresibong pag-unlad para sa bansa.

Facebook Comments