LTO, tiniyak na pagkakalooban ng tulong ang traffic enforcer na nahagip ng sasakyan habang ginagampanan ang trabaho

Pinangakuan ng tulong ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang traffic enforcer na nahagip ng sasakyan sa San Fernando City, La Union noong Pebrero 15, 2024.

Binisita ni LTO Chief Vigor Mendoza sa pagamutan si Law Enforcement Officer Jay Joseph Rillorta na nasa stable na ang kondisyon matapos ang limang araw sa Intensive Care Unit (ICU).

Si Rillorta ay kasama ng mga tauhan ng LTO Region 1 na nagsagawa ng Anti-Colorum operation sa San Fernando City ng mahagip ng sasakyan.


Nangako si Mendoza na bibigyan ng suporta at financial assistance ang traffic enforcer hanggang ganap na makarekober at makabalik sa kanyang trabaho.

Kaugnay nito, inisyuhan na ng Show Cause Order ng LTO ang registered owner ng nakabanggang sasakyan para magpaliwanag.

Facebook Comments