Manila, Philippines – Welcome para sa Commission on Human Rights (CHR) ang naisabatas na Republic Act 11188 o ang Special Protection for Children In Situations of Armed Conflict.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, isang malaking bagay ito na magpapasigla sa kampanya sa proteksyon ng karapatan ng mga bata.
Makatutulong ito na maisalba ang kinabulasan ng mga bata dahil sa epekto ng giyera sa mga bata.
Sa ilalim ng naturang batas, mapagkakalooban ng serbisyo at interbensyon ang mga children in conflict areas.
Aniya, ang giyera ay nag-iiwan ng malalim na pinsala sa mga bata na maaring taglayin ng mahabang panahon.
Pinasalamatan ni De Guia ang lahat ng nagtrabaho para maging ganap na batas ang Republic Act 11188.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>