Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang kahandaan ng Bureau of Corrections (BUCOR) na damihan pa ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na mababakunahan ng COVID-19.
Ginawa ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia kasabay ng selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week na may paksang diwang “Magkaisa, Magtulungan, Magdamayan, COVID-19 ay Labanan.”
Una nang tinawag ng CHR ang pansin ng BUCOR sa kondisyon ng mga jails at detention facilities sa buong bansa kung saan grabe ang siksikan na nagsasanhi upang maging vulnerable ang mga PDL sa COVID-19.
Ayon kay De Guia, ang tumataas na vaccination rates ng PDLs at correctional officers ay nagpapakita na malapit nang makamit ang zero COVID-19 cases sa prison population.
Umaapela rin ang CHR sa mga lokal na pamahalaan na isama ang elderly PDLs, partikular ang mga may comorbidities sa kanilang vaccination priority list.