CHR, kinondena ang pag-atake ng NPA sa IPs sa Surigao del Sur

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay umano ng New People’s Army (NPA) sa mga katutubo sa Surigao del Sur.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang mga ganitong karahasan na nangyayari sa gitna ng COVID-19 pandemic ay higit lang na magpapalala sa takot sa mga dati nang nanganganib na komunidad.

Mag-iimbestiga rin ang CHR sa mga sunod-sunod na kaso ng pamamaslang sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa CARAGA Region upang mapanagot ang mga nasa likod nito.


Ayon pa kay De Guia, hindi maaaring magtago sa tabing ng ideolohiya ang NPA upang bigyang katwiran ang nangyaring karahasan na isang paglabag sa International Humanitarian Law.

Nagpaabot na ang CHR ng pakikiramay sa pamilya ng mga naging biktima ng magkakahiwalay na pag-atake na pormal na inako ng NPA.

Facebook Comments