CHR, kinondena ang pag-atake ng NPA sa Visayas na ikinamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng dalawang iba pa kabilang ang isang bata

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Visayas.

Batay sa report, ang isinagawang pag-atake ng NPA sa Jipapad, Eastern Samar noong October 7, 2022 ay nag-resulta sa pagkasawi nina Staff Sergeant John Claire Flores at Private First Class Mark Edupancho Siscar mula sa 52nd Infantry Battalion ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Dalawang sundalo rin ang nasugatan kabilang ang isang 10 taong gulang na batang babae.


Ayon sa CHR, nagsasagawa na sila ng motu propio investigation para makamit ng mga nasawing sundalo ang hustisya

Giit ng CHR, kapag may bakbakan, sakop pa rin ng international law ang mga rebelde at may pananagutang i-respeto ang karapatang pantao.

Facebook Comments