COC ng mga hindi kwalipikadong kandidato, hindi na tatanggapin ng COMELEC

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nagbabalak kumandidato sa Barangay at SK Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hindi nila tatanggapin ang Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidatong hindi pasok sa kwalipikasyon posisyon na kanilang tatakbuhan.

Sinabi ni Garcia na malaking abala ang ginawang pagtanggap ng poll body noong mga nakaraang halalan sa mga hindi kwalipikadong kandidato.


Nagresulta aniya ang naturang proseso ng libo-libong kaso na nagdulot ng malaking abala sa COMELEC.

Facebook Comments