Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging pagdukot sa mga development workers sa Cebu na sina Dyan Gumanao at Armand Dayoha.
Kasabay nito, isang independent motu proprio investigation ang ikinasa nito matapos na kumalat sa social media ang pagkawala ng dalawa noong January 10,2023.
Welcome naman sa Komisyon ang ipinangakong “impartial” investigation ng Police Regional Office sa Central Visayas kaugnay sa pagdukot.
Hinimok ng CHR ang 2GO Group Inc., ang Cebu Port Authority, at ang Philippine Coast Guard Region VII na ibigay ang buong kooperasyon.
Ito’y upang magkaroon ng bukas na imbestigasyon at mapanagot ang mga sangkot sa pagdukot.
Sa pamamagitan nito ay maibigay ang hustisya sa mga biktima.
Umapela ang CHR sa mga nakasaksi sa pagdukot na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon sa mga human rights organization at sa mga law enforcement agency.