Ugnayan ng Pilipinas at International Office for Migration laban sa human trafficking, lalo pang pinalakas

Personal na nagtungo sa Philippine Embassy sa Russia si Marina Schramm, Chief of Mission ng Russia mula sa office of the Geneva-based International Office for Migration.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at IOM laban sa illegal recruitment and human trafficking.

Nagpahayag din ng kahandaan si Schramm sa pagtulong sa Philippine Embassy sa Russia para maibahagi niya sa Filipino community ang kanyang karanasan at kaalaman sa naturang mga larangan.


Si Schramm na French-German ay isang abogado at may 12 experience sa IOM.

Siya ay nagsilbi rin sa United Nations High Commissioner for Refugees.

Facebook Comments