CHR, kinondena ang pinakahuling paghahasik ng karahasan ng NPA

Sisilipin ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga sinasabing paglabag ng New People’s Army (NPA) sa International Humanitarian Law.

Kasunod ito ng mga reklamong inihain ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa CHR kaugnay ng mga pag-atake ng NPA sa mga civilian properties simula noong 2010.

Ginawa ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang pahayag matapos na akuin mismo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na may mga civilian properties na nasira sa gitna ng armed conflict.


Pero, ang mga pinsala umanong ito ay nagkaroon na ng kumpensasyon.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ng CHR ang gobyerno na igalang karapatang pantao sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin na tapusin ang insurgency.

Tiniyak naman ng CHR na kahit mayroong armed conflict na umiiral, nanatili ang posisyon ng komisyon na dapat ay igalang pa rin ang human rights ng mga residente sa mga komunidad.

Facebook Comments