CHR, kinondena ang quo warranto case laban sa ABS-CBN

Kinondena rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsisikil sa kalayaan sa pamamahayag sa harap ng quo warranto case laban sa ABS-CBN.

Ginawa ng CHR ang pahayag sa pagdiriwang ng National Press Week.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang mga Media Networks gaya ng ABS-CBN ay nagbibigay serbisyo sa publiko sa ibat-ibang paraan.


Sinabi pa ni De Guia na hindi dapat pulitika ang magdidikta sa kasasapitan ng ABS-CBN o kahit ano mang Media Network nagsisilbing pundasyon ng press freedom at ng demokrasya.

Kailangan rin aniyang ikonsidera ang libo-libong empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag ito ay naipasara.

Sakaling mapasara aniya ang ABS-CBN dagok umano ito sa pangangalap ng information at freedom of expression.

Umapila naman ang CHR sa mga mamahayag na bilang ika-apat na estado ng lipunan, patuloy na pag-alabin ang ilaw ng katotohanan gamit mga karapatan at kalayaan bilang pananggalang.

Facebook Comments